Top 10 similar words or synonyms for tyrosine

urine    0.964591

methylmalonic    0.960935

methotrexate    0.960701

polypeptide    0.959661

homolog    0.959142

kda    0.958359

ehlers    0.957079

oncogene    0.955317

hemochromatosis    0.954385

procarbazine    0.954021

Top 30 analogous words or synonyms for tyrosine

Article Example
Thyroid Ang thyroid ay isa sa pinakamalaking glandula sa sistemang endokrina na binubuo ng dalawang magkaugnay na lobo. Ang thyroid ay matatagpuan sa ibaba ng thyroid cartilage na matatagpuan naman sa gitnang bahagi ng leeg. Ang thyroid cartilage ay ang bumubuo sa laryngeal prominence o “Adams apple." Ang thyroid ang siyang responsable sa bilis ng metabolismo sa katawan o paggamit ng enerhiya. Kontrolado rin ng thyroid ang paggawa ng protina at ang sensitibidad ng katawan sa ibang ibang hormones. Naglalabas ito ng ibat ibang hormones na tinatawag na T0, T1, T2, T3 (triiodothyronine) at T4 (thyroxine o tetraiodothyronine). Ang mga hormones na ito ang siyang gabay ng katawan sa pagpapanatili ng regular na paglaki o kawastuhan ng ibat ibang sistema sa katawan. Ang T3 at T4 ay na "sini-synthesize" mula sa iodine at tyrosine. Ang thyroid din ang siyang nagpapanatili ng tamang calcium homeostatis sa katawan sa pamamagitan ng paglikha ng calcitonin.
Biyokimika Ang mga kinaing protina ay karaniwang pinahihiwalay-hiwalay sa kanyang saliring asido amino o "dipeptide" sa maliit na bituka at saka tinutunaw o sinisipsip ("absorb") ng katawan. Maaari silang magsamang muli upang makagawa ng bagong protena. Ang intemedyong produkto ng glikolisis, ng pag-ikot ng asido sitriko at ng landas ng "pentose phosphate" ay maaring magamit upang makagawa ng 20 asido amino. Mayroon nang lahat na kinakailangan ensimas ang karamihan ng mga bakterya at halaman upang makagawa nito. Subalit ang tao at ibang mamalya ay makagagawa lamang ng kalahating bilang ng mga asido amino. Hindi sila makagagawa ng "isoleucine", "leucine", "lysine", "methionine", "phenylalanine", "threonine", "tryptophan", at "valine". Ito ang tinatawag na mga kailangang asido amino ("essential amino acids") dahil kailangan kainin ito mula sa mga pagkain. Ang mga mamalya ay mayroong mga ensimas upang makagawa ng "alanine", "asparagine", "aspartate", "cysteine", "glutamate", "glutamine", "glycine", "proline", "serine", at "tyrosine", ang mga di-kailangang asido amino ("nonessential amino acids"). Dahil hindi nakagagawa ng sapat na dami ng "arginine" at "histidine" ang mga ito para sa mga bata at lumalaking hayop, ang dalawang asido aminong ito ay tinatawag ding kailangang asido amino.
Kanser Ang kanser ay pundamental na isang sakit ng kabiguan ng regulasyon ng paglago ng tisyu. Upang ang isang normal na selula na magtransporma sa isang selulang kanser, ang mga gene na nagreregula ng paglago ng selula at ang diperensiasyon ay dapat mabago. Ang mga apektadong gene ay nahahati sa dalawang mga malawak na kategorya: ang mga oncogene ang mga gene na nagtataguyod ng paglago ng selula at pagpaparami nito. Ang gene na tagasupil ng tumor ang mga gene na pumipigil sa paghahati ng selula at pagpapatuloy. Ang malignanteng transpormasyon ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagkabuo ng mga nobelang oncogene, ang hindi angkop na sobrang ekspresyon ng mga normal na oncogen o sa pamamagitan ng mga hindi ekspresyon o hindi pagpapagana ng mga gene na tagasupil ng tumor. Sa karaniwan, ang mga pagbabago sa maraming mg agene ay kinakailangan upang matransporma sa isang selulang kanser. Ang mga pagbabagong henetiko ay maaaring mangyari sa iba't ibang mga lebel at sa pamamagitan ng iba't ibang mga mekanismo. Ang pagkakamit o pagkawala ng buong kromosoma ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng mga pagkakamali sa mitosis. Ang mas karaniwang ang mga mutasyon na mga pagbabago sa sekwensiyang nucleotide ng henomikong DNA. Ang malaking iskalang mga mutasyon ay sumasangkot sa pagbura o pagkakamit ng isang bahagi ng isang kromosoma. Ang amplipikasyon ng gene ay nangyayari kapag ang isang selula ay nagkakamit ng marmaing mga kopya(na kadalasan ay 20 o higit pa) ng isang maliit na kromosomal na locus na karaniwan ay naglalaman ng isa o maraming mga oncogen e at katabing materyal na henetiko. Ang translokasyong kromosomal ay nangyayari kapag ang dalawang magkahiwalay na mga rehiyong kromosomal ay naging abnormal na nagsanib na kadalasan ay sa isang katangiang lokasyon. Ang isang kilalang halimbawa nito ang kromosomang Philadelphia o translokasyon ng mga kromosomang 9 at kromosomang 22 na nangyayari sa kronikong myelogenous leukemia at nagreresulta sa produksiyon ng BCR-abl fusion protein na isang oncogenic tyrosine kinase. Ang maliit na iskalang mga mutasyon ay kinabibilangan ng mga puntong mutasyon, pagbura at pagpasok na maaaring mangyari sa promotor na rehiyon ng isang gene at umaapekto sa ekspresyon nito o maaaring mangyari sa nagkokodigong sekwensiya ng gene at nagbabago ng tungkulin o stabilidad ng isang produktong protina. Ang disrupsiyon ng isang gene ay maaari ring magresulta mula sa integrasyon ng henomikong materyal mula sa isang DNA virus o retrovirus at nagreresulta sa ekspresyon ng mga viral ocogene sa apektadong selula at mga supling nito. Ang replikasyon ng malaking halaga ng datos na nilalaman sa loob ng DNA ng mga buhay na selula ay probabilistikong nagreresulta sa ilang mga pagkakamali(mga mutasyon). Ang komplikadong pagkakamaling pagtutuwid at prebensiyon ay itinayo sa proseo at nagbabantay sa selula laban sa kanser. Kung ang labis na pagkakamali ay nangyari, ang napinsalang selula ay maaaring "wumasak sa sarili nito" sa pamamagitan ng nakaprogramang kamatayan ng selula na tinaguriang apoptosis. Kung ang pagkakamaling mga prosesong kontrol ay nabigo, kung gayon, ang mga mutasyon ay magpapatuloy at maipapasa sa kahabaang ng ng mga anak na selula. Ang ilang mga kapaligiran ay gumagawa ng mga pagkakamali na mas malamang na lumitaw o dumami. Ang gayong mga kapaligiran ay kinabibilangan ng presensiya ng diruptibong mga substansiyang tinatawag na mga karsinoheno, paulit ulit na mga pinsala, init, nag-iionisang radiasyon o hypoxia