Top 10 similar words or synonyms for tulog

napupuno    0.880867

paghapdi    0.860496

hinog    0.857245

masakit    0.852537

humihinga    0.851528

kagaspangan    0.847851

makamandag    0.844273

umiikli    0.839600

banayad    0.838886

nasisira    0.836921

Top 30 analogous words or synonyms for tulog

Article Example
Tulog Ang tulog ay isang kalagayan ng pagpapahinga, na nagaganap sa mga hayop, kasama ang mga tao. Ang mga hayop na natutulog ay nasa isang katayuan ng walang kamalayan, o karamihan sa kanila. Karamihan sa mga masel na nakukontrol na may layunin o sinasadya ng mga hayop ay hindi masigla o hindi aktibo (hindi gumagalaw o hindi gumagana). Ang natutulog na mga hayop ay hindi tumutugon sa istimulo na kasingbilis ng kapag gising sila. Mas madaling nababaliktad ang tulog kaysa hibernasyon o koma. Natutulog ang lahat ng mga mamalya at mga ibon, at maraming mga reptilya, amphibian, at mga isda. Sa mga tao, iba pang mga mamalya, at karamihan sa iba pang mga hayop na pinag-aralan, ang madalas na pagtulog ay kailangan upang makaligtas o mabuhay, ngunit ang tiyak na layunin nito ay hindi pa malinaw at kinakailangan pa nito ang higit na pananaliksik. Nakasisiya rin ang pagtulog. Tinatawag na himbing ang malalim na pagtulog, bagaman tumutukoy din ang "himbing" sa letarhiya.
Tulog Isang likas na kawalan ng malay ang pagtulog, ngunit mahirap sabihin kung paano ito nagaganap. Mahalaga sa buhay ang pagkakaroon ng sapat na tulog, katulad ng kahalagahan ng pagkain. Dumarating ang pangangailangan ng pagtulog katulad ng pagdating ng pagkagutom, na kung minsan ay sang-ayon sa nakasanayan. Sa kung paano ito nangyayari, ilan sa mga panukala o teoriya ang pagkakaroon ng kumaunting daloy ng dugo sa utak na sanhi ng pagkaipon o akumulasyon ng produktong dumi sa dugo, na dahil naman sa kapaguran; o kaya dahil sa diminusyon o kabawasan ng istimulong sumasapit sa utak, bagaman wala pang tiyak na sirkunstansiya o sitwasyong napapatunayan kung ano ang tunay na mga dahilang nakapagdurulot ng tulog.
Tulog Habang natutulog, bumababa ang mga aktibidad o galaw ng katawan. Mas mabagal ang tibok ng puso, mas mabagal ang paghinga at mas mahina, mas malanday, o mas mababaw. Sa pangkalahatan, nakapahinga ang mga masel at mababa ang temperatura ng katawan. Kaduda-duda ang kabuoang pagtigil ng isipan habang natutulog, maging sa unang dalawang oras kung kailan napakalalim ng tulog o napakahimbing ng tulog. Maaaring nagpapatuloy ang pangangarap o pananaginip sa kahabaan ng pagtulog subalit hindi naaalala ng tao ang ganyang mga panaginip o pangarap, maliban na lamang sa mga nagaganap kapag pagising na o malapit nang magising ang tao.
Pipit-tulog Ang mga pipit-tulog (Ingles: "thrush"), pamilyang Turdidae, ay isang pangkat ng mga ibong pangunahing umiiral ngunit hindi lamang sa Lumang Mundo.
Aposiopesis Tulog ng tulog;