Top 10 similar words or synonyms for serine

ataxia    0.959124

synthetase    0.956433

ehlers    0.955904

propionic    0.955848

hypothyroidism    0.954193

angiotensin    0.954054

methylmalonic    0.953552

danlos    0.953406

lymphomas    0.953262

dysplasia    0.953101

Top 30 analogous words or synonyms for serine

Article Example
Biyokimika Ang mga kinaing protina ay karaniwang pinahihiwalay-hiwalay sa kanyang saliring asido amino o "dipeptide" sa maliit na bituka at saka tinutunaw o sinisipsip ("absorb") ng katawan. Maaari silang magsamang muli upang makagawa ng bagong protena. Ang intemedyong produkto ng glikolisis, ng pag-ikot ng asido sitriko at ng landas ng "pentose phosphate" ay maaring magamit upang makagawa ng 20 asido amino. Mayroon nang lahat na kinakailangan ensimas ang karamihan ng mga bakterya at halaman upang makagawa nito. Subalit ang tao at ibang mamalya ay makagagawa lamang ng kalahating bilang ng mga asido amino. Hindi sila makagagawa ng "isoleucine", "leucine", "lysine", "methionine", "phenylalanine", "threonine", "tryptophan", at "valine". Ito ang tinatawag na mga kailangang asido amino ("essential amino acids") dahil kailangan kainin ito mula sa mga pagkain. Ang mga mamalya ay mayroong mga ensimas upang makagawa ng "alanine", "asparagine", "aspartate", "cysteine", "glutamate", "glutamine", "glycine", "proline", "serine", at "tyrosine", ang mga di-kailangang asido amino ("nonessential amino acids"). Dahil hindi nakagagawa ng sapat na dami ng "arginine" at "histidine" ang mga ito para sa mga bata at lumalaking hayop, ang dalawang asido aminong ito ay tinatawag ding kailangang asido amino.
Biyokimika Ang estruktura ng mga proteina ay karaniwang ipinakikita sa apat na antas. Ang primaryang estruktura ng isang proteina ay ang kanyang tuwid na pagkakasunod-sunod ng mga asido amino sa kadena nito; halimbawa, "alanine-glycine-tryptophan-serine-glutamate-asparagine-glycine-lysine-...". Ang sekundaryong estruktura ay nauukol sa lokal na hugis nito. May ilang asido amino ay may ugaling umikid na tinatawag na α-helix; ang ilan ay ipinakikita sa itaas na iskema. Ang tersiyarong estruktura ay kabuuang tatlong-dimensiyonal na hugis ng protina. Ang hugis nito ay nababatay sa pakakasunod-sunod ng mga asido amino. Sa katunayan, mababago ang hugis nito kahit na ang isang asido amino ang palitan lamang. Naglalaman ng 146 asido amino ang kadenang β ng hemoglobina; ang pagpapalit ng glutamate sa ika-6 na posisyon ng "valine" ay nakapagpapabago sa ugali ng hemoglobina lalo na’t nagbubunga ito ng "sickle-cell disease". Sa huli, ang kwaternaryong estruktura ay nauukol sa estruktura ng isang protina kasama ang multipleng mga subyunit ng "peptide" katulad ng hemoglobina at kanyang apat na subyunit. Hindi lahat ng proteina ay may higit sa isang subyunit.