Top 10 similar words or synonyms for penicillin

synthetase    0.949972

carboxylase    0.941414

gaucher    0.936158

patellar    0.934864

inhibitors    0.933757

polypeptide    0.932178

microcephaly    0.931952

tumors    0.930263

hypothyroidism    0.927893

methotrexate    0.926548

Top 30 analogous words or synonyms for penicillin

Article Example
Paringhitis na istreptokokal Ang Penicillin V ang pinaka karaniwang antibiyotiko na ginagamit sa Estados Unidos para sa lalamunang mayroong istreptokokus. Popular ito dahil sa ito ay ligtas, mabisa at hindi magastos. Ang Amoxicillin ay kadalasang ginagamit sa Europa. Sa India, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng rayumatikong lagnat ang mga tao. Dahil dito, ang iniiniksiyong gamot na tinatawag na "benzathine penicillin G" ang karaniwang ipinanggagamot. Ang mga antibiyotiko ang nagpapaikli ng itinatagal ng mga sintomas. Ang karaniwang itinatagal nito ay tatlo hanggang limang araw. Pinapaikli ito ng mga antibiyotiko ng humigit-kumulang sa isang araw. Binabawasan din ng mga gamot na ito ang pagkalat ng karamadaman. Ang mga gamot ay kadalasang ginagamit upang mabawasan ang mga bihirang kumplikasyon. Kabilang sa mga ito ang rayumatikong lagnat, mga pantal, o mga impeksiyon. Ang mga mabubuting epekto ng mga antibiyotiko ay kailangang balansehin ng mga posibleng mga epekto ng gamot. Ang paggamot na ginagamitan ng antibiyotiko ay hindi kailangang ibigay sa mga malulusog ng mga nasa tamang gulang na tao na mayroong masasamang mga reaksiyon sa gamot. Ang mga antibiyotiko ay mas madalas na ginagamit sa lalamunang mayroong istreptokokus kaysa sa inaasahan batay sa kung gaano kalubha ito at ang bilis nitong kumalat. Ang gamot na erythromycin (at ang ibang mga gamot na tinatawag na mga "macrolide") ang dapat na gamitin para sa mga taong may masamang mga alerhiya sa penisilina ("penicillin"). Ang Cephalosporin ay maaaring gamitin sa mga taong may mas kaunting mga alerhiya. Ang mga impeksiyong sanhi ng istreptokokus ay maaari ring humantong sa pamamaga ng mga bato (nakikilala sa Ingles bilang "acute glomerulonephritis" o talamak na glomerulonepritis). Hindi binabawasan ng mga antibiyotiko ang posibilidad ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon.
Gram negative bacteria Ang Gram Negative Bacteria ay isang uri ng bakterya na hindi pinapanatili ang ksnyang strano, may malalaking dalawang palitadang pader; ang pinakaloob na pader ay naglalaman ng peptidoglycan at ang panlabas na pader ay naglalaman ng isang unit ng membranong binubuo ng protina, pospolipido, at lipopolysaccharides (isang maramihang tipik ng tipikong bigat na mataas sa 10,000). Ang dalawang pader ay parehang may kapal na 10 nanometer, subalit ang parehang pader ng Gram Positive ay may kapal na 10 hanggang 50 nanometer. Ang Penicillin ang pumipigil sa pagdami ng peptidoglycan na kung saan nakikita ang kagalingan ng mga antibiotics.
Pulmonya Maraming mga pagsulong noong 1900s ang nagpabuti sa kinalabasan para sa mga may pulmonya. Sa pagdating ng penicillin at iba pang mga antibiyotiko, makabagong mga pamamaraan sa pag-oopera, at intensibong pangangalaga sa ika-20 siglo, ang pagkamatay dahil sa pulmonya ay umaabot sa 30%, na biglang bumaba sa maunlad na mga bansa. Ang pagbabakuna sa mga sanggol laban sa "Haemophilus influenzae" type B ay nagsimula noong 1988 at humantong sa kapansin-pansing pagbaba kaagad ng mga kaso pagkatapos ng pagbabakuna. Ang pagbabakuna sa mga nasa hustong gulang laban sa"Streptococcus pneumoniae" ay nagsimula noong 1977, at sa mga bata noong 2000, na nagresulta ng parehong pagbaba.
Antibiyotiko Sa pagsulong ng kimikang pangmedisina, karamihan ng mga antibiyotiko ngayon ay mga semisintetiko – kimikong isiniayos mula sa orihinal na mga kumpuwesto mula sa kalikasan tulad ng beta-lactams (kasama rito ang mga penicillin, na gawa ng fungi genus "Penicillium"), ang mga cephalosporin, at mga carbapenem. Ang ilang antibiyotiko ay ginagawa at nagmumula sa organismong buhay tulad ng mga aminoglycoside, at iba pang ginawa sa sintetikong paraan: ang mga sulfonamides, ang mga quinolone, at mga oxazolidinone. Kasama sa pagpapangkat nito na naayon sa pinanggalinan nito - natural, semisintetiko at sintetiko, maaaring hatiin sa dalawang malawak na pangkat ang mga antibiyotiko ayon sa kanilang bisa sa mikroorganismo: yaong pumapatay ng mga bakterya ay mga ahenteng bakterisidal o "bactericidal agent" (mga bakterisidyo) habang ang mga umaampat sa paglago o pagkalat ng mga bakterya ay kilala bilang mga bakteryostatiko o "bacteriostatic agent" (mga bakteryostatiko).
Bakterya Hindi lahat ng mga bakterya ay mayroong pader ng selula, subalit sa mayroon, hugis bag na mikromolekyul ang kanilang pader na tinatawag na peptidoglikan, na kung saan ay nakakalat sa dimensiyon na nakapalibot sa protoplast. Dalawa ang kinakailangang pangkat ng mga glucose, kasama ang isang kadena ng iilang asidong amino na nakakabit sa subyunit na magkakasama. Mayroong makapal, magkakaugnay na pader na naglalaman ng apatnapu hanggang siyamnapung porsiyentong tuyong bigat na peptidoglycan ang mga "positibong bakterya ayon kay Gram" o mga "Gram-positive bacteria". Samantalang, mayroong maninipis, dalawahang patong ng mga pader, na kung saan ang loob na patong ay binubuo ng peptidoglycan at ang labas na patong ay isang yunit ng mga membrano na binubuo ng protina, pospolipido, at lipopolysaccharides, ang mga "negatibong bakterya ayon kay Gram" o mga "Gram-negative bacteria". Mayroong kapal na sampung nanometro ang pinagsamang patong ng mga pader samantalang mayroon lamang sampu hanggang limanpung nanometro ang pader ng isang positibong bakterya. Halimbawa nito ay ang Penicillin. Pinipigilan ng bakteryang ito ang pagbuo ng peptidoglycan ng isa pang bakterya, kaya ginagamit ito bilang isang antibiotics.
Anapilaksis Ang pagsusuri ng alerhiya ay maaaring makatulong upang malaman kung ano ang naging sanhi ng anaphylaxis ng isang tao. Ang mga pagsusuri ng alerhiya sa balat (tulad ng mga patch test o ang paglalagay ng allergen sa balat upang alamin kung mayroong alerhiya) ay magagamit para sa ilang mga pagkain at kamandag. Ang mga pagsusuri ng dugo para sa tiyak na mga antibody ay maaaring maging kapaki-pakinabang upang mapatunayan ang mga alerhiya sa gatas, itlog, mani, mga mani na galing sa puno at isda. Maaaring patunayan ng mga pagsusuri sa balat ang mga alerhiya sa penicillin, ngunit walang mga pagsusuri sa balat para sa ibang mga gamot. Ang mga non-immune o posibilidad na magkaroon na uri ng anaphylaxis ay masusuri lamang sa pamamagitan ng pagsusuri sa kasaysayan ng isang tao o sa pamamagitan ng paglalantad sa isang tao sa isang allergen (nagiging sanhi ng alerhiya) na maaaring nagdulot ng reaksiyon noong nakalipas. Walang mga pagsusuri sa balat o dugo para sa non-immune o posibilidad na magkaroon ng anaphylaxis.