Top 10 similar words or synonyms for pagpalya

pagtibok    0.831066

tibok    0.809364

sikmura    0.795365

pagtigas    0.789632

panginginig    0.782111

pagkakaipon    0.775373

kolon    0.773271

pintig    0.770468

pangangati    0.767967

umbok    0.767502

Top 30 analogous words or synonyms for pagpalya

Article Example
Pagpalya ng puso Ang pagpalya ng puso o panghihina ng puso (Ingles: "heart failure", dinadaglat na "HF", na madalas na tinatawag bilang "congestive heart failure", dinadaglat bilang "CHF" o "congestive cardiac failure", dinadaglat bilang "CCF", na ang dalawang panghuli ay may kahulugang pagkabigo ng puso sa tungkulin nito na mayroong paninikip), ay nagaganap kapag hindi na nagawa ng puso na makapagbigay ng sapat na galaw na pagbomba o pagpintig upang makapagpanatili ng daloy ng dugo upang maabot ang mga pangangailangan ng katawan. Ang pagpalya ng puso ay maaaring makapagdulot ng isang bilang ng mga sintomas na kinabibilangan ng kahirapan sa paghinga (hinahabol ang hininga), pagbintog o pamamaga ng mga hita (pagkakaroon ng manas sa mga hita), at hindi makatagal sa pag-eehersisyo. Ang kalagayan ay napag-aalaman o nadidiyagnosis sa pamamagitan ng pagsusuri ng katawan ng pasyente at natitiyak sa pamamagitan ng ekokardiyograpiya. Nakakatulong ang mga pagsusuri ng dugo sa diyagnosis na pang-etiyolohiya. Ang pagharap na paglulunas ay nakabatay sa kalubhaan at etiyolohiya ng pagpalya ng puso. Sa isang pasyenteng kroniko na nasa matatag nang katayuan, ang paggamot ay karaniwang binubuo ng mga gawain sa estilo ng pamumuhay na katulad ng pagtigil sa paninigarilyo, ehersisyong magagaan, mga pagbabago sa diyeta, at mga medikasyon (mga gamot). Sa kung minsan, ayon sa etiyolohiya, ginagamot ito sa pamamagitan ng mga aparatong iniimplanta o "itinatanim" sa katawan o sa puso katulad ng mga "pacemaker" o ng mga aparatong pantulong sa mga bentrikulo o mga "ventricular assist device") at kung minsan ay kailangan ang pagtatransplanta ng puso (mula sa katawan ng ibang tao na kamamatay pa lamang).
Pagpalya ng puso Ang mga sintomas ng pagpalya ng puso ay nakaugalian at tila nagkataong hinahati sa "kaliwa" at sa "kanan" na mga gilid o bahagi ng puso, na kinikilala ang mga bentrikulong nasa kaliwa at nasa kanan ay nagpapadala at nagpapadaloy ng dugo papunta sa iba't ibang mga bahagi ng sirkulasyon. Subalit, ang pagkabigo ng puso ay hindi lamang pagpalyang paatras o "backward failure (sa bahagi ng sirkulasyon na umaagos papunta sa bentrikulo).
Pagpalya ng puso Mayroong ilang iba pang mga hindi pagsasama sa isang payak na kahatiang kaliwa at kanan ng mga sintomas ng pagpaglya ng puso. Sumasanib ang pangkaliwang gilid na pasulong ("forward") na pagpalya sa pangkanang gilid na pagpalyang paurong ("backward"). Bilang dagdag, ang pinaka pangkaraniwang sanhi ng pagpalya ng kanang gilid ng puso ay ang pagpalya ng kaliwang gilid ng puso. Ang resulta nito ay ang mga pasyenteng naghaharap o nagpapakita ng kapwa mga pangkat ng mga palatandaan at mga sintomas.
Chronic obstructive pulmonary Ang non-invasive positive pressure ventilation sa mga mayroong matinding mataas na mga antas ng CO (type 2 na pagpalya sa paghinga) ay pinabababa ang probabilidad ng kamatayan mula sa o nangangailangan ng pagpasok sa intensive care para sa mekanikal na bentilasyon. Sa karagdagan, maaaring mayroong papel ang theophylline sa mga hindi tumutugon sa iba pang mga hakbang. Mas kaunti sa 20% ng mga paglala ang nangangailangan ng pagkakaospital. Sa mga walang acidosis mula sa pagpalya ng paghinga, ang pangangalaga sa tahanan ("pagkaospital sa tahanan") ay maaaring makatulong para maiwasan ang ilang mga pagapsok dito.
Kikwit Ipinanganak ang mang-aawit na si King Kester Emeneya sa Kikwit noong 1956. Isinagawa sa lungsod ang isang konsiyertong pagkilala sa kanya noong Abril 2014, dalawang buwan pagkaraan ng kanyang pagpanaw. Subalit nauwi ito sa malaking kapahamakan, at di-bababa sa dalawampung katao ang nasawi sa loob ng estadyo dahil sa panakbuhan kasunod ng isang pagpalya ng kuryente.
James Mason Mason, na nanirahan sa England at Estados Unidos, inilipat sa 1982, at nanirahan sa Vevey, isang maliit na bayan sa tabi ng Lake Geneva sa kanyang asawa, Mason Clarissa. Siya ay namatay ng pagpalya ng puso, na may edad na 75. Sa pampublikong sementeryo Corsier-sur-Vevey, Vaud sa Swesiya.
Joe Weider Ipinanganak siya sa Montreal, Quebec, Canada noong 1919 sa isang mag-anak na Hudyong Polako. Pinalaki siya sa Los Angeles, California. Kapatid niyang lalaki si Ben Weider. Kasal si Weider kay Betty Brosmer mula 1961 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 2013. Hindi sila nagkaroon ng anak. Namatay si Weider noong Marso 2013 sa edad na 93 dahil sa pagpalya ng puso habang nasa Los Angeles, California.
Jonas Salk Si Salk ay ipinanganak sa Lungsod ng New York, New York noong 1914 sa isang mag-anak na Hudyong Irlandes. Nag-aral siya sa City College of New York at sa Pamantasan ng New York. Kasal si Salk kay Donna Lindsey mula 1939 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1968. Nagkaroon siya ng tatlong mga anak kay Lindsey. Pagkaraan ay naging kasal siya kay Françoise Gilot mula 1970 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1995. Namatay si Salk habang nasa kaniyang tahanan sa La Jolla, California dahil sa pagpalya ng puso, sa gulang na 80. Inilibing siya sa El Camino Memorial Park sa San Diego, California.
Altapresyon Ang ilang mga klase ng gamot na magkakasamang itinuturing bilang mga gamot laban sa altapresyon ay kasalukuyang magagamit para sa paggamot ng altapresyon. Isinasaalang-alang ang panganib ukol sa puso ng isang tao (kabilang ang panganib ng myocardial infarction o pagkasira ng tisiyu ng puso at stroke) at ang pagbabasa ng presyon ng dugo sa pagrereseta ng mga gamot. Kung sinimulan ang paggamot, inirerekomenda ng Ika-pitong Pinagsamang Komite sa Mataas na Presyon ng Dugo ng Pambansang Institute sa Puso, Baga, at Dugo (National Heart, Lung, and Blood Institute's Seventh Joint National Committee on High Blood Pressure) (JNC-7) na dapat subaybayan ng manggagamot ang pagtugon sa paggamot at tasahin para sa anumang salungat na reaksiyon dulot ng gamot. Ang pagbabawas ng presyon ng dugo ng 5 mmHg, ay babawasan ang panganib ng stroke ng 34% at ang panganib ng ischemic heart disease o bawas na suplay ng dugo ng kalamnan ng puso ng 21%. Mababawasan din ng pagbaba ng presyon ng dugo ang posibilidad ng demensya, pagpalya ng puso at dami ng namamatay mula sa sakit sa puso. Ang layunin ng paggamot ay upang mabawasan ang presyon ng dugo sa mas mababa kaysa sa 140/90 mmHg para sa karamihan ng mga indibiduwal, at mas mababa pa para sa mga may dyabetes o sakit sa bato. Inirerekomenda ng ilang mga medikal na propesyonal na panatilihin ang mga lebel na mababa sa 120/80 mmHg. Kung ang layunin na presyon ng dugo ay hindi matutugunan, kailangan ng karagdagang paggamot.
Chronic obstructive pulmonary Ang Supplemental oxygen ay inirerekomenda sa mga mayroong mababang antas ng oxygen kapag walang ginagawa (isang bahagyang presyon ng oxygen na mababa sa 50–55 mmHg o mga oxygen saturation na mababa sa 88%). Sa grupong ito ng mga tao pinabababa nito ang panganib ng pagpalya ng puso at kamatayan kung gagamitin ng 15 oras kada araw at maaaring pabutihin ang kakayahan ng mga tao para mag-ehersisyo. Sa mga may normal o katamtamang mababang antas ng oxygen, ang karagdagang oxygen ay maaaring pabutihin ang kapos na paghinga. Mayroong panganib ng mga sunog at kaunting benepisyo kapag ang mga naka-oxygen ay patuloy na maninigarilyo. Sa sitwasyong ito inirerekomenda ng ilan ang pagtutol sa paggamit nito. Sa panahon ng matinding paglala, marami ang nangangailangan ng oxygen therapy; ang paggamit ng mataas na konsentrasyon ng oxygen nang walang pagsasaalang-alang sa mga oxygen saturation ng isang tao, ay maaaring humantong sa mataas na mga antas ng carbon dioxide at palalain ang mga kalalabasan. Sa mga may mataas na panganib ng mga antas ng carbon dioxide, inirerekomenda ang oxygen saturation na 88–92%, habang sa mga walang ganitong panganib inirerekomenda ang 94-98%.