Top 10 similar words or synonyms for fluoxetine

venlafaxine    0.970714

synthetase    0.969625

prozac    0.969169

snri    0.968809

ataxia    0.965656

trazodone    0.965494

ligase    0.964206

mirtazapine    0.963646

californium    0.961324

klebsiella    0.961321

Top 30 analogous words or synonyms for fluoxetine

Article Example
Utak Ang mga neurotransmitter ang mga kemikal na inilalabas sa sinapse kapag ang aksiyon potensiyal ay nagpapagana sa mga ito. Ang mga neurotransmitter ay nagbibigkis ng kanilang sarili sa mga molekulang reseptor sa membrano ng inaasintang selula ng sinaps kaya binabago nito ang elektrikal at kemikal na katangian ng mga molekulang reseptor. Sa ilang mga eksepsiyon, ang mga neuron sa utak ay naglalabas ng parehong mga kemikal na neurotransmitter o kombinasyon ng mga neurotransmitter sa lahat ng mga sinaptikong koneksiyon na ginagawa sa iba pang mga neuron. Ang patakarang ito ay tinatawag na prinsipyo ni Dale. Dahil dito, ang neuron ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng neurotransmitter na inilalabas nito. Ang karamihan sa mga sikoaktibong mga droga ay nagbibigay ng mga epekto nito sa pamamagitan ng pagbabago ng spesipikong mga sistema ng neurotransmitter. Ito ay lumalapat sa mga drogang gaya ng marijuana, nikotina, heroin, cocaine, alak, fluoxetine, chlorpromazine at marami pang iba. Ang dalawang neurotransmitter na malawak na ginagamit sa utak ng mga bertebrado ang "glutamato" na palaging nagsasagawa ng mga nagpapanabik na epekto sa mga inaasintang neuron at ang "asidong gamma-aminobutiriko"(GABA) na palaging nagsasagawa ng pagpipigil sa mga inaasintang neuron. Ang mga neuron na gumagamit ng mga neurotransmitter na ito ay matatagpuan sa halos bawat bahagi ng utak. Dahil sa pagiging laganap ng mga ito, ang mga drogang kumikilos sa glutamato o GABA ay gumagawing nag-aangkin ng malawak at makapangyarihang mga epekto. Ang ilang mga pangkalahatang anestetiko ay umaasal sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga epekto ng glutamato. Ang karamihan sa mga trankilayser ay nagsasagawa ng mga sedatibong(nagpapakalmang) mga epekto nito sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga epekto ng GABA. May mga dosena ng ibang mga kemikal na neurotransmitter na ginagamit sa mas limitadong mga area ng utak na kadalasan ay inilalaan sa isang partikular na tungkulin. Halimbawa, ang "serotonin" na pangunahing inaasinta ng mga drogang antidepresant at maraming mga pantulong dietaryo ay nagmumulang eksklusibo sa isang maliit na area ng sangangutak(brainstem) na tinatawag na "Raphe nuclei". Ang "norepineprino" na sumasangkot sa pananabik ay eksklusibong nagmumula sa isang malapit na areang tinatawag na locus coeruleus. Ang ibang mga neurotransmitter gaya ng "acetylkolino" at "dopamino" ay maraming pinagmumulan sa utak ngunit hindi kasinglaganap na ipinamamahaging gaya ng glutamato at GABA.