Top 10 similar words or synonyms for chronic

pulmonary    0.932545

congenital    0.931370

methotrexate    0.927564

obstructive    0.926732

hypothyroidism    0.926078

porphyria    0.923683

marfan    0.921670

urine    0.920539

vincristine    0.920344

danlos    0.919832

Top 30 analogous words or synonyms for chronic

Article Example
Chronic obstructive pulmonary Ang chronic obstructive pulmonary na sakit (COPD), kilala rin bilang chronic obstructive lung disease (COLD), at chronic obstructive airway disease (COAD), bukod sa iba pa, ay isang uri ng sakit na may pagbara sa baga na inilalarawan ng hindi gumagaling na mahinang pagdaloy ng hangin. Karaniwan itong lumalala sa katagalan. Kasama sa mga pangunahing sintomas ang kapos na hininga, ubo, at paglikha ng plema. Karamihan sa mga taong may hindi gumagaling na bronchitis ay mayroong COPD.
Chronic obstructive pulmonary Ang kapos na hininga ay kalimitang sintomas na nakakaabala sa mga tao. Ito ay karaniwang inilalarawan bilang: "kailangan pilitin ang aking paghinga;," "Pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga," o "Hindi ako makakuha ng sapat na hangin". Ang iba’t-ibang mga salita, gayunpaman, ay maaaring gamitin sa iba’t-ibang mga kultura. Karaniwan ang kapos na hininga ay malala sa pagpilit, na matagal, at lumalala sa katagalan. Sa advanced na mga yugto ito ay nangyayari habang nagpapahinga at maaaring palaging mayroon. Ito ay parehong pinagmumulan ng pagkabahala at mahinang kalidad ng buhay sa mga mayroong COPD. Ang maraming tao na mayroong advanced na COPD paghinga sa pamamagitan ng nakabilog na labi at ang aksyon na ito ay maaaring pabutihin ang kapos na hininga sa ilan.
Chronic obstructive pulmonary Sa COPD, maaaring mas matagal huminga palabas kaysa lumanghap. Maaaring magkaroon ng paninikip ng dibdib ngunit hindi ito karaniwan at maaaring sanhi ng isa pang problema. Ang mga mayroong bara sa pagdaloy ng hangin ay maaaring mayroong humuhuning tunog o nabawasang mga tunog sa pagpasok ng hangin sa eksaminasyon ng dibdib gamit ang isang stethoscope. Ang dibdib na parang bariles ay isang katangiang palatandaan ng COPD, ngunit medyo hindi pangkaraniwan. Ang Tripod na posisyonay maaaring mangyari habang lumalala ang sakit.
Chronic obstructive pulmonary Ang matinding paglala ng COPD ay binibigyang kahulugan bilang nadagdagang kapos na hininga, nadagdagang paglikha ng plema, pagbabago sa kulay ng plema mula sa malinaw tungo sa berde o dilaw, o ang nadagdagang pag-ubo sa taong mayroong COPD. Maaaring magpakita ito ng mga palatandaan ng nadagdagang pagsusumikap para huminga tulad ng mabilis na paghinga, isang mabilis na tibok ng puso, pamamawis, aktibong paggamit ng mga kalamnan sa leeg, ang mala-bughaw na kulay sa balat, at pagkalito o ang panlalaban sa mga napakatinding mga paglala. Maaari rin makarinig ng mga pagtunog sa mga baga sa eksaminasyon gamit ang isang stethoscope.
Chronic obstructive pulmonary Ang pangunahing sanhi ng COPD ay ang paninigarilyo ng tabako, kasama ang pagkakalantad sa trabaho at polusyon mula sa apoy sa loob na malaking sanhi sa ilang mga bansa. Karaniwan ang mga pagkakalantad na ito ay dapat mangyari sa maraming dekada bago mabuo ang mga sintomas. Ang bumubuo sa henetiko ng isang tao ay nakakaapekto rin sa panganib.
Chronic obstructive pulmonary Ang mga apoy sa pagluluto na walang sapat na pasingawan, na kalimitan ginagamitan ng uling o mga biomass fuel tulad ng kahoy at dumi ng hayop, ay humahantong sa panloob na polusyon sa hangin at ay isa sa mga pinaka-karaniwang sanhi ng COPD sa mga mahihirap na bansa. Ang mga apoy na ito ay isang pamamaraan ng pagluluto at pagpapainit para sa halos 3 bilyong tao kung saan ang mga epekto nito sa kalusugan ay mas mataas sa mga kababaihan dahil sa mas maraming pagkakalantad. Ginagamit ang mga ito bilang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya sa 80% ng mga tahanan sa India, China at sub-Saharan Africa.
Chronic obstructive pulmonary Isinangkot ang bilang ng mga industriya at pinagmumulan, kasama ang mataas na mga antas ng alikabok sa pagmimina ng uling, pagmimina ng ginto, at ang industriya ng bulak sa tela, mga trabaho na mayroong sangkot na cadmium at isocyanates, at mga usok mula sa pagwe-welding. Ang pagtatrabaho sa agrikultura ay isang ring panganib. Sa ilang mga propesyon ang mga panganib ay tinatayang katumbas ng kalahati hanggang sa dalawang pakete ng sigarilyo sa isang araw. Ang pagkakalantad sa alikabok mula sa Silica ay maaari rin humantong sa COPD, kasama ang panganib na walang kaugnayan sa silicosis. Ang mga negatibong epekto ng pagkakalantad sa alikabok at pagkakalantad sa usok ng sigarilyo ay mukhang nakakadagdag o posibleng mahigit pa sa nakakadagdag.
Chronic obstructive pulmonary Ang COPD ay isang uri ng sakit na pagbara sa baga kung saan ang hindi ganap na gumagaling ngunit maaaring maayos na mahinang daloy ng hangin (limitasyon sa daloy ng hangin) at ang kawalan ng kakayahang ganap na huminga palabas (pagkakulong ng hangin) ay umiiral. Ang mahinang daloy ng hangin ay ang resulta ng pagkasira sa tisiyu ng baga (kilala bilang emphysema) at sakit ng maliit na daanan ng hangin na kilala bilang obstructive bronchiolitis (pamamaga ng bronchiole na sanhi ng bara). Ang kaugnay na mga kontribusyon ng dalawang salik na ito ay magkaiba sa mga tao. Ang matinding pagkasira ng maliit na daanan ng hangin ay maaaring humantong sa pagbuo ng malalaking mga air pocket—kilala bilang bullae—na pumapalit sa tisiyu ng baga. Ang ganitong uri ng sakit ay tinatawag na bullous emphysema.
Chronic obstructive pulmonary Ang pagkilala sakit na COPD ay kailangan isaalang-alang sa sinuman na maghit sa edad na 35 hanggang 40 na mayroong kapos na paghinga, isang hindi gumagaling na ubo, produksyon ng plema, o malimit na sipon sa taglamig at ang kasaysayan ng pagkakalantad sa mga salik ng panganib para sa sakit. Ang Spirometry ay ginagamit para kumpirmahin ang pagkilala sa sakit.
Chronic obstructive pulmonary Maraming hakbang ang ginawa para bawasan ang posibilidad na magkaroon ng COPD ang mga manggagawa sa mga nasa panganib na industriya—tulad ng pagmimina ng uling, konstruksiyon at kasanayan sa paghugis ng mga bato (stonemasonry. Kasama sa mga halimbawa ng mga hakbang na ito ang: ang paggawa ng pampublikong patakaran, edukasyon ng mga manggagawa at pamamahala tungkol sa mga panganib, pagtataguyod ng pagtigil sa paninigarilyo, pagtingin sa mga manggagawa para sa mga maagang palatandaan ng COPD, paggamit ng mga respirator, at pagkontaol sa alikabok. Makakamit ang pagkontrol sa alikabok sa pamamagitan ng pagpapabuti sa bentilasyon, paggamit ng mga pang-spray ng tubig at sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraan sa pagmimina na nakakabawas sa produksyon ng alikabok. Kung magkakaroon ng COPD ang manggagawa, maaaring mabawasan ang karagdagang pagkasira ng baga sa pamamagitan ng pag-iwas sa patuloy na pagkakalantad sa alikabok, halimbawa sa pamamagitan ng pagbabago ng tungkulin sa trabaho.