Top 10 similar words or synonyms for apendisitis

penicillin    0.856156

paninilaw    0.855560

inplasyong    0.854086

natatanggal    0.852674

istarbasyon    0.850145

glaucoma    0.849932

hemorrhagic    0.848121

cannabidiol    0.844952

pampakalma    0.844598

uti    0.843959

Top 30 analogous words or synonyms for apendisitis

Article Example
Apendisitis Ang apendisitis (Ingles: "appendicitis") ay ang sakit na kinatatangian ng pamamaga dahil sa impeksiyon ng apendiks (apendise, na "appendix" sa Ingles), na isang bahagi ng bituka ng tao. Dahil sa pamamaga at impeksiyon, karaniwang kailangang sumailalim sa isang operasyon o siruhiyang tinatawag na apendektomiya ang isang tao, kung saan tinatanggal ang apendiks. Bagaman may katungkulan ang apendiks na kaugnay ng sistemang imyuno, maaaring alisin ang naimpeksiyong apendiks sapagkat magagawa ng sistemang imyuno ang tungkulin ng apendiks kahit natanggal na ito mula sa katawan ng tao.
Apendisitis Sa kasalukuyan, walang katiyakan kung ano ang sanhi ng apendisitis. Ngunit may katiyakan na ito ay hindi isang namamanang kalagayan, walang kaugnayan sa salinlahi, at hindi ito nakakahawa.
Apendisitis Ang apendisitis ay malulunasan sa pamamagitan ng siruhiya, kung saan tinatanggal ang apendiks na naimpeksiyon. Isinasagawa ito upang huwag kumalat sa ibang mga bahagi ng bituka ang impeksiyon. Ang siruhiya ang makapipigil sa pagkasira ng bituka at makaiiwas sa maaaring maging pagkamatay ng taong nagkaapendisitis.
Apendisitis Kabilang sa mga sintomas ng apendisitis ang pananakit ng tiyan mula sa gitna, na nasa may itaas na bahagi ng puson. Ang hapding ito ay gumagapang patungon sa kanang bahagi ng tiyan at pati na sa pang-ibabang bahagi ng tiyan, partikular na sa may kanan ng puson). Ito ang karaniwang paglalarawan ng pananakit na ito dahil sa pamamaga ng apendiks, subalit maaaring maging ibang bahagi ng tiyan ang maapektuhan ng sakit. Bukod sa pananakit ng tiyan, ang taong apektado ng apendisitis ay maaari ring makadama ng kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, pagkaliyo, pagtatae (pagtitibi), at panghihina (pagkakalos).
Apendisitis Ang pananakit, na karaniwang inilalarawan ng apektadong tao bilang napakasakit, napakahapdi, o napakakirot. Ang pananakit ay karaniwang lumalampas nang mahigit sa 24 na mga oras, at hindi naiibsan o hindi natatanggal kahit uminom ng gamot na pantanggal ng pananakit.
Apendisitis Ang manggagamot ang makakatiyak ng pagkakaroon ng apendisitis ng isang pasyente. Magsasagawa ang duktor ng pagsusuri sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pasyente, pag-eksamin ng tiyan, magpasagawa ng mga eksaminasyong panglaboratoryo (kabilang ang kumpletong pagbilang ng dugo o "complete blood count", dinadaglat bilang CBC, at pagsusuri ng ihi o "urinalysis").
Maninistis Ang maninistis o siruhano ay isang uri ng dalubhasang manggagamot na nag-aaral ng medisina, partikular na ang larangan ng siruhiya o operasyon (pagtitistis). Bihasa siya sa pag-oopera sa katawan ng taong may karamdaman katulad ng may kanser o apendisitis. Isa itong uri ng duktor na espesyalista sa pag-oopera. Mayroon ding beterinaryo o duktor ng mga hayop na maninistis.
Gastroenteraytis Ang ibang mga posibleng palatandaan at sintomas na gumagaya sa mga nakikitang sintomas sa gastroenteraytis na kailangang ihiwalay ay kinabibilangan ng apendisitis,volvulus, inflammatory bowel disease o pamamaga ng kolon, mga urinary tract infection o impeksiyon sa daluyan ng ihi, at dyabetis melitus. Ang kakulangan ng paglalabas ng pancreas ng enzyme na panunaw, short bowel syndrome o sakit pagkatapos tanggalin ang maliit na bahagi ng maliit na bituka, Whipple's disease, coeliac disease, at ang pang-aabuso sa laksatiba ay dapat ding isaalang-alang. Ang sistematikong diyagnosis ay maaaring maging medyo mahirap maunawaan kung ang tao ay nagpapakita "lamang" ng pagsusuka o pagtatae (sa halip na pareho nito).
Gastroenteraytis Maaaring magkaroon ng apendisitis na may kasamang pagsusuka, pananakit ng tiyan, at isang maliit na dami ng pagtatae sa hanggang 33% ng mga kaso. Ito ay salungat sa malaking dami ng pagtatae na tipikal sa gastroenteraytis. Ang mga impeksiyon sa baga o sa daluyan ng ihi sa mga bata ay maaari ring madulot ng pagsusuka o pagtatae. Ang klasikal na diyabetikong ketoacidosis (DKA) ay nagpapakita ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka, ngunit walang pagtatae. Natuklasan ng isang pag-aaral na ang 17% ng mga bata na mayroong DKA ay inisyal na nasuri bilang mayroong gastroenteraytis.